Friday, April 9, 2010

NAME THAT BABY

Rumour has it that the Las Vegas bookmakers are offering huge payouts for anyone who could correctly guess the name of James and Marie's baby boy (and Addi's brother) born on Thursday, April 8, 2010 at 8:07 AM California time.

Put your wagers early so you don't get shut out.

BALITA MULA SA LAS VEGAS, NEVADA ---- Ayon sa mga bookmakers ng mga casino dito sa Las Vegas ay wala pang nakakahula ng pangalan ng bagong silang na anak nina James at Marie.

Tinatayang aabot na sa milyon-milyong dolyar ang premyo ng sinumang makakahula ng magiging pangalan ng kanilang anak. Ayon din sa reliable source na aking nakapanayam, may bulong bulongan daw na ang pangalan ng apo ko ay magsisimula sa letrang makikita sa english alphabet.

Sa kasalukuyan, umuusok ang mga betting machines sa hindi magkamayaw na bettors. Sali na kayo habang maaga dahil ang pakontest na ito ay magtatapos sa takdang panahon na ayaw ipaalam ng management ng NEVADA GAMING CORPORATION.

Thursday, April 8, 2010

Kevin starred in a mini-play "Between Third Rock and a Heart Place"


Two Sundays ago, March 27, 2010 I, and my niece Elizabeth (nine) and her husband Manolo (Momoy) and their 3 kids AND Sophia and AJ, daughters of my other niece, Focel went to watch Kevin starred as "Nico" in a mini-play at the Theatre Passe Muraille at Bathurst and Queen West, Toronto.


On our way to the theatre, we picked up some burgers at Lick's. Everybody enjoyed the
7-skit play. After the show, we pigged out at the nearby McDonald's. Here's the link to the Youtube clip.

Noong Marso 27 kami nina Nine at Momoy, pati na ang kanilang 3 anak na sina Martin, Izabelle at Marielle at kasama din namin ang anak ni Focel at Owel na sina Sophia at AJ, ay nanood ng mini-play na ang starring ay ang bunso kong anak na si Kevin, sa isang teatro sa downtown Toronto. Dumaan muna kami sa Lick's Burger para pumik-ap ng dambuhalang burger na matatagpuan lamang sa Lick's at aming nilapa habang nagbibyahe papuntang downtown.

Pitong mini skits ang pinagsama-samang pinanood namin na pinamagatang "Tales From the Flipside 2010 - Islands", at isa nga dito ang mini-play Between Third Rock and A Heart Place; very catchy ang title -- I like it, na umabot sa kulang kulang na 3 oras.

Nagustuhan ng mga inakay ang play lalo na ang part ni Kevin --- hmmmm.... mukhang mga bata pa e biased na agad ang mga tsikiting.

Pigtapos ng play e kumain kami sa McDonald's, pero bago kami pumasok ng McDonalds ay mayroong taong umutot ng pagkalakas lakas.

At hindi lang iyon, nang kamiý pauwi na, sakay ko ang tatlong magpi-pinsang babae (maliban kay Marielle) at ng akoý huminto para kumuha ng pera sa ATM, ay mayroon ulit na bumira ng utot sa loob pa naman ng napabango kong car. Hindi ko na sasabihin kung sino ang umutot sa kanilang tatlo, pero ang alam ko ay lahat sila ay nagkonsyerto ng pagutot sa kotse ko. Sikret ang mga pangalan, pero lahat silang tatlo ay umutot ayon din sa kanilang tatlo.






TODAY IS A BLESSED DAY

At 8:07 AM, California Time, Thursday, April 8, 2010 My Daughter, Marie married to James Isaac and mother of Addison Centeno Isaac delivered a healthy, bouncing boy.

Mother and son are both healthy and doing good.

We are blessed today, and we welcome Baby Boy Isaac to this world.

Thanks be to God.

Nagsaya ang buong mundo, ako ang sumulat nito at opinyon ko yan, ng bumulaga ang anak na lalaki ni James at Marie, sa isang ospital sa San Francisco, California ngayong Abril 8, 2010 sa oras na pitong minuto makalipas ang ika-walo ng umaga.

Malusog ang apo ko, at maayos naman ang panganganak ng apol-op-di-ay kong si Marie.

Mabuti na lamang na abisuhan ko ng maaga ang traffic cops ng Bay Area, kung hindi e buhol buhol ang trapik sa pagsasaya.

Saturday, March 27, 2010

One Hour Lights Off 2010

How time flew on me! It has been 2 long years since I've updated my blog; and I don't take pride in being unfashionably late.

To make up for my absence, and since today is One Hour Lights Off Day, I will be
turning off my lights, actually everything that uses electricity at home, for THREE LONG HOURS, instead of just one hour.

A lot of things had happened in my life and in my loved ones' lives since then. More on this later.

Napakabilis talaga ng panahon. Dalawang taon na pala ang nalagas sa tangkay nito ng huli ako'ng magsulat sa blog ko. Kahiya naman, sori po --- tao lamang!

At para naman akoý makabawi sa hindi ko pagpaparamdam, at dahil ngayong araw na ito ay ipinagdiriwang, teka mali yata, pinapa-alaala ulit sa atin na tayoý magtipid sa pagamit ng kuryente sa kusang hindi pagamit nito ng isang oras ngayong araw na ito ay hindi muna ako gagamit ng anumang aparato, pati ilaw, sa loob ng 3 oras ORA MISMO pagka post ko ng blog kong ito.

Maraming naganap sa buhay ko at sa buhay ng mga mahal ko sa buhay nitong nakaraang dalawang taon. Muli kong sasariwain ko ang mga gunita sa muli kong pagbabalik.

Samantala, patay kuryente muna tayo....

Saturday, March 29, 2008

ONE HOUR LIGHTS OFF

Saturday, March 29th 2008, at between 8 - 9 in the evening local time, everywhere in the world, people will be observing Earth Hour for one hour by turning off their lights and non-essential appliances -- both households and businesses are expected to observe it.

Earth Hour started last year in Australia in order to conserve electricity which in turn lowers carbon emission. And this year, citizens of the world will collectively conserve electricity for one hour by this simple, and yet effective, action of turning the lights off.

All in the name of and respect for mother earth and our environment.

Sa Sabado, Marso 29, 2008 tayong mga pinagpalang nilalang ng mundo ay makikilahok sa pandaigdigang pag-observe ng Earth Hour na sinimulan sa Sydney, Australia noong nakaraang taon, 2007. Sa pagkakataong ito, ang mga ilaw sa tahanan at mga kumpanya ay papatayin at ganun din ang mga hindi kinakailangang appliances sa loob ng isang oras mula 8 hanggang 9 ng gabi, local na oras.

Inaasahang malaki ang matitipid sa konsumo ng elektrisidad, at gayun din ang pagiwas sa kontribusyon ng emisyon ng carbon sa ating paligid, sa isang simpleng pamamaraan na ating gagawin sa buong mundo.

Thursday, March 13, 2008

Inglishkey

I must have sounded like this girl when I was starting to talk in english.
Enjoy!

Tandang tanda ko pa nang nagsisimula akong makipag-usap sa salitang ingles.
Parang ganito ang tunog

:P

Thursday, February 21, 2008

But Your Service Sucks

First, I called my internet service provider that I no longer need their service from the next billing date because I am not getting the same or faster speed from my portable internet.

I planned to switch provider so I shopped around. There were several choices but all them charge connection/service fees --- no waiving even if I am the one who is giving them my business.

Two days later, I called my current provider, spoke to a different customer service rep and I told him I was trying to place my order via the internet for a cable connection to replace my portable because the speed sucks. But such a switch over is not available on the net and instead I have to order a new connection with the attendant connection/service fee. So I complained that no way I am paying it again, and told him that I am cancelling the service altogether, and I will give my business to another provider instead.

He apologized, checked my "client history", and declared: "ok you're going to get connected without cost plus a $20 rebate on you next bill to compensate for your dissatisfaction and just to keep you as a loyal client". And that was that -- I got my cable two days ago, and I am enjoying a much faster service though I am losing the portability of the net.

The point I am highliting is this: very few consumers complain when they are dissatisfied. However, companies now know how much customer satisfaction is important. You have everything to gain by expressing your dissatisfaction in an attempt to obtain compensation.

Noong nakaraang linggo ay tumawag ako sa ISP ko para sabihin na hindi na ako natutuwa sa pagbagal ng portable internet ko at kanselahin na nila ang serbis simula sa susunod na billing. Plano ko na mag-shop around kung alin ang mas maganda serbisyo, pero lahat sa kanila ay sumisingil ng halos $100 na service fee.

So tumawag ulit ako sa kasalukuyang ISP ko at nagreklamo ako na bakit hindi pwede magrequest ng switch over mula sa portable to a cable service -- kelangan ko umorder (magsimula ulit) ng cable at magbayad ng halos $100 na connection fee.

Ganun? E kako kung gusto nila akong maging loyal customer pa e wag nila akong singilin ng connection fee at kung hindi e talagang lilipat ako sa iba. Sandali lang, sabi nya at tsekin nya daw ang record ko. Tas sabi nya na ikinatuwa ko naman -- sige daw, magpapadala daw sya ng technician, i-hook up at i-activate daw ang cable ko ng walang bayad at meron pang bonus na.... $20 credit sa susunod na billing ko bilang pabuya sa pagrereklamo ko.

Odiba? kakaaliw naman magreklamo!