Friday, April 9, 2010

NAME THAT BABY

Rumour has it that the Las Vegas bookmakers are offering huge payouts for anyone who could correctly guess the name of James and Marie's baby boy (and Addi's brother) born on Thursday, April 8, 2010 at 8:07 AM California time.

Put your wagers early so you don't get shut out.

BALITA MULA SA LAS VEGAS, NEVADA ---- Ayon sa mga bookmakers ng mga casino dito sa Las Vegas ay wala pang nakakahula ng pangalan ng bagong silang na anak nina James at Marie.

Tinatayang aabot na sa milyon-milyong dolyar ang premyo ng sinumang makakahula ng magiging pangalan ng kanilang anak. Ayon din sa reliable source na aking nakapanayam, may bulong bulongan daw na ang pangalan ng apo ko ay magsisimula sa letrang makikita sa english alphabet.

Sa kasalukuyan, umuusok ang mga betting machines sa hindi magkamayaw na bettors. Sali na kayo habang maaga dahil ang pakontest na ito ay magtatapos sa takdang panahon na ayaw ipaalam ng management ng NEVADA GAMING CORPORATION.

Thursday, April 8, 2010

Kevin starred in a mini-play "Between Third Rock and a Heart Place"


Two Sundays ago, March 27, 2010 I, and my niece Elizabeth (nine) and her husband Manolo (Momoy) and their 3 kids AND Sophia and AJ, daughters of my other niece, Focel went to watch Kevin starred as "Nico" in a mini-play at the Theatre Passe Muraille at Bathurst and Queen West, Toronto.


On our way to the theatre, we picked up some burgers at Lick's. Everybody enjoyed the
7-skit play. After the show, we pigged out at the nearby McDonald's. Here's the link to the Youtube clip.

Noong Marso 27 kami nina Nine at Momoy, pati na ang kanilang 3 anak na sina Martin, Izabelle at Marielle at kasama din namin ang anak ni Focel at Owel na sina Sophia at AJ, ay nanood ng mini-play na ang starring ay ang bunso kong anak na si Kevin, sa isang teatro sa downtown Toronto. Dumaan muna kami sa Lick's Burger para pumik-ap ng dambuhalang burger na matatagpuan lamang sa Lick's at aming nilapa habang nagbibyahe papuntang downtown.

Pitong mini skits ang pinagsama-samang pinanood namin na pinamagatang "Tales From the Flipside 2010 - Islands", at isa nga dito ang mini-play Between Third Rock and A Heart Place; very catchy ang title -- I like it, na umabot sa kulang kulang na 3 oras.

Nagustuhan ng mga inakay ang play lalo na ang part ni Kevin --- hmmmm.... mukhang mga bata pa e biased na agad ang mga tsikiting.

Pigtapos ng play e kumain kami sa McDonald's, pero bago kami pumasok ng McDonalds ay mayroong taong umutot ng pagkalakas lakas.

At hindi lang iyon, nang kamiĆ½ pauwi na, sakay ko ang tatlong magpi-pinsang babae (maliban kay Marielle) at ng akoĆ½ huminto para kumuha ng pera sa ATM, ay mayroon ulit na bumira ng utot sa loob pa naman ng napabango kong car. Hindi ko na sasabihin kung sino ang umutot sa kanilang tatlo, pero ang alam ko ay lahat sila ay nagkonsyerto ng pagutot sa kotse ko. Sikret ang mga pangalan, pero lahat silang tatlo ay umutot ayon din sa kanilang tatlo.






TODAY IS A BLESSED DAY

At 8:07 AM, California Time, Thursday, April 8, 2010 My Daughter, Marie married to James Isaac and mother of Addison Centeno Isaac delivered a healthy, bouncing boy.

Mother and son are both healthy and doing good.

We are blessed today, and we welcome Baby Boy Isaac to this world.

Thanks be to God.

Nagsaya ang buong mundo, ako ang sumulat nito at opinyon ko yan, ng bumulaga ang anak na lalaki ni James at Marie, sa isang ospital sa San Francisco, California ngayong Abril 8, 2010 sa oras na pitong minuto makalipas ang ika-walo ng umaga.

Malusog ang apo ko, at maayos naman ang panganganak ng apol-op-di-ay kong si Marie.

Mabuti na lamang na abisuhan ko ng maaga ang traffic cops ng Bay Area, kung hindi e buhol buhol ang trapik sa pagsasaya.