Wednesday, January 30, 2008

Don't Talk To Me, I'm Still LOST

in translation.

I remember my first few attempts at writing and speaking in english ... something very similar to this


I think it was that "I screw you" comment ....

and this,


Well, formerly the 'hot seat'...

and this,


????excuse me?

and this,



Wonder if they serve my favorite --- good food :)

and ......

Oh, I'm sorry--was I smiling?

I think you guys wanna get lost here, too.

Talaga naman, oo!!! Pag hindi ka naman natuliro.
Aba e iniwasan ko na ng matagal na panahon na huwag

mag-iisip ng kung anu-ano lalo na pag french o greek
ang usapan! A ewan..... bahala kayong mawala din sa
translation ng mga taga mainland.

:P

Tuesday, January 29, 2008

Pinoy Sensations on Two AI's

In case you're not in the loop for new pinoy entertainment discoveries recently, a pinoy from Reno, Nevada showed up at the latest American Idol audition in Dallas, TX ... and boy, did he ever entertain Simon, Paula and Randy and the rest of the AI watchers with his outfit and honest-almost-innocent replies. And his "performance" that night brought his idol Simon in stitches, the trio of judges let him go on and belt it out with a lot of repeats. And, including producer Ryan Seacrest's behind the scene interview, Renaldo Lapuz earned not just 2 minutes of instant fame on TV but more than 7 minutes of recorded performance that night that although he didn't make it to Hollywood, he made it to YOUTUBE and viewed/played around the world as you read this --- yes, I love you brother!!!!! ("All together now! One more time -- this is special"). ha ha ha ha

The other is in Austria,,, not really the Austrian Idol but a lot tougher than the American Idol singing competition, the Musical! Die Show (MDS) recently held pinoy phenom Vincent Bueno its GRAND WINNER after weeks of competition that involved not only singing but also acting, dancing and threatrical effects. He is 21 years old, born in Vienna Austria to pinoy parents, the first Asian and, PINOY, champion of the long-running MDS contest in Austria. Watch his MDS performances here on YOUTUBE.

Siguro luma na ang balita ito, pero kung hindi nyo pa nababalitaan ito --- sa kabilang dagat ng Pilipinas ay 2 pinoy ang nagpakita sa telebisyon ng kanilang tanging kakayahan. Sa Amerika, inaliw ni Renaldo Lapuz ang mga nanood ng American Idol audition sa Dallas, Texas. Bagaman at hindi sya lalahok pa sa AI contest sa Hollywood, e hinayaan naman syang ipakita ang kanyang magarang kapa at sombrero, kung hindi man ang kanyang katangi-tanging talento sa pagkumpas ng kanyang kaliwang kamay habang bumubunghalit ng kanta (nga ba?) ng kanya mismong sariling kumposisyon.

Enihaw, mahigit ding pitong minuto ang inubos nya sa mahalagang TV-time para ipamalas ang kamalas-malasang pag-aliw nya sa mga manonood (jok jok jok :) at ngayon nga e, nadale nya ang YOUTUBE na kung saan malapit na halos 1 milyong katulad kong pasaway ang naaaliw na panoorin ang isang bihirang mangyaring kabaliwan. Nakajakpat ka brader! Pagpatuloy mo lang yan at malayo ang mararating mo tulad ni William Hung (may palagay akong pwede mo nga syang daigin pa e!)

Sa Vienna, Austria naman -- matapos ang mga ilang linggo ding bakbakan ng mahigit sa 400 na contestant sa Musical! Die Show (MDS) ay tinanghal na kampyon sa kauna-unahang pagkakataaon ang isang Asiano at PINOY! Si Vincent Bueno 21 taong gulang, ipinanganak sa Vienna at pinoy na pinoy ang kanyang ama't ina. Nagustuhan ng mga judges ng timpalak ang kanyang pagtatanghal at pati na din ang mga milyong nanood sa kumpetisyon sa kanilang telebisyon at bumoto/pumili sa kampyon sa pamamagitan ng text-votes at noong January 11 nga ay tinawag ang kanyang pangalan bilang KAMPYON.... sayang at medyo hindi ko agad nabalitaan ang AI audition sa Dallas, at itong kontes sa Austria... hindi bale, makakapagpraktis pa akong maigi... pagbibigyan ko na lang muna sila this time.

Believe It Or Not, Please DON'T Believe It.

A colleague at work who was trying to be nice innocently sent an email to us that, unknown to him, has been and is still being spread on the internet like wildfire. The message looked really believable and meant no harm other than "polluting" the internet environment, I think.

It's quite a lengthy email explaining each of the following five cell phone "tips" which I will just summarize here:

- The Emergency Number for Cell Phones Worldwide is 112
- You Can Unlock Your Car Remotely Through a Cell Phone
- There May be Hidden Battery Power in Your Cell Phone
- Dial *#06# on Your Cell Phone to Get a Code That Will Disable Your Phone
and,
* Use Left Ear For Mobile Phone (an advisory coming from "apollo medical team",
a team that when I checked existed only on the MOON as part of NASA's moon
exploratory and landing team).

I googled "hidden battery power" and "apollo medical team" and ... yes sireeeee... you guessed it right! Except for the *#06# item, everything is a HOAX, information that hardly anyone pays attention to.... let alone use.


Nagmamagandang loob si Joe, isang kaopisina ko, ng pinadalhan nya ako at mga kasama kong pinoy sa work ng email na mayroong 5 cell phone "tips." Pero lingid sa kanyang kaalaman ay mga 5 years na itong kumakalat sa internet at walang magandang silbi kundi pabagalin ang internet traffic dahil sa volume ng mga tulad ng ganitong email kasi yung mahihilig na mag-forward ng email, syempre i-forward naman nila sa kanilang mga kakilala hanggang sa ........ BOOOM!!

Yung limang "tips" e hindi ko na lang isatagalog, nabasa nyo na sa taas ng post na ito -- natatakot kasi ako na baka pag tinransleyt ko sa tagalog e biglang magkatotoo ... hehehehe

Long en syort ng istorya e, isa lang talaga ang totoo. Pero totoo man ito, e para sa akin walang silbi .... hehehehe.... meron akong kopya ng invoice nung binili ko ang cell phone ko at nandoon ang serial number ng cell phone ko.

Bale patunay, mag-google kayo ng: "hidden batter power" at "apollo medical team". Itong team na ito ng inimbistegahan ko ay hindi naman mga hockey players o basketbolista o football players ---- pero parang isang crack team na nagpunta sa BUWAN at crew ng Apollo exploratory and landing team noong panahon ni President John Kennedy (circa 1960's) na nagdesisyong mag-migrate sa buwan at hindi na bumalik sa earth.

Morale ng istori? Mag-ingat sa mga pasaway!

:)

check the apollo medical team here and google it there

Monday, January 28, 2008

O, May Gulay

I got on the road this morning at 7 and the unusual semi-brightness of the morning made me squint. I was expecting it'd still be dark (and cold) this hour.

Holy cow, it's 28th January and it's hard to believe winter is nearly over. Again, we are experiencing an unseasonably warm winter this season, temperature in Toronto always nearly above freezing.

And ..... our days are starting to get longer and nights shorter, as if to announce spring is just around the corner (or at least giving us that feeling that it is).

And that in itself is reason to celebrate, I think.


Pag pumapasok ako sa work, umaalis ako ng mga alas syete at simula ng mag-adjust ng oras ay laging madilim pa sa umaga pag alas-7 at sa hapon naman pag uwi ko ng alas 5 ay madilim pa din. Pero kanina, pag labas ko, medyo nag squint ang mata ko sa liwanag ng kapaligiran na hindi ko ine-expect. At hindi lang yun, hindi masyadong malamig.

Aba akalain mo, a-bente otso na ng Enero at sandali na lang at matatapos na ang winter. Maswerte na naman ang mga taga Toronto at napaka mild ng winter ngayon taon kumpara sa mga nakaraang taon (well, ganito halos winter dito sa Toronto ng mga nakalipas na 6 o 7 taon, MILD) -- maliban sa mga ilang araw na hinagupit ng snowstorm at blinding whiteouts/snowsqualls. Halos walang yelo sa daan, kaya ayos lang maglakad, hindi delikado.

Humahaba ang araw at ang gabi ay umiigsi, parang sinasabing "ang spring at summer ay hindi na kalayuan. Nagsaya ang aking kalooban at napangiting mag-isa na walang dahilan. AMBABAW ko ano?

Pero ang isipin na malapit na ang spring ay para sa akin ay sapat na para ipagsaya. O diba?

Apol Op May Ay


Lots of varieties: granny smith, red delicious, golden delicious, mcintosh small and big in the farm. But there's always one particular kind we love to have.

To quote English writer Sir Walter Scott's Old Mortality, 1816: "Poor Richard was to me as an eldest son, the apple of my eye."

And the apple of my eye had hers on May 24, 2007. Here's Marie with her family: James and Addison of 2007 Thanksgiving in San Francisco fame.

I get a different feeling, hard to describe, when Addi came to this world. For one, she brought another dimension to my life and my world. Thanks James and Marie for Addi.


Madaming klaseng mansanas sa farm: granny smith, red at golden delicious, mckintosh, malalaki, maliliit at juicy. Pero ako ay my paboritong mansanas, at alam kong kayo'y mayroon din.

Unang natala ang phrase na "apple of my eye" sa modern english sa sinulat ni Sir Walter Scott sa Old Mortality, noong 1816, patungkol sa subject niyang si Richard.


Ang aming panganay na si Marie, na aming apol of our eye, ay nagkaroon din ng kanyang/kanilang apol of their eye ni husband James. Kakaibang pakiramdam pag nagka apo ka na pala --- bukod sa hindi na maitagong matanda na pala ako, e naging masigla at makulay ulit ang mundo.

Salamat James at Marie.... salamat.

Friday, January 25, 2008

Many Thanks



Many thanks, Kevin. Thank you, son.


Maraming, maraming salamat, Kevin. Salamat, anak.