Monday, January 28, 2008

O, May Gulay

I got on the road this morning at 7 and the unusual semi-brightness of the morning made me squint. I was expecting it'd still be dark (and cold) this hour.

Holy cow, it's 28th January and it's hard to believe winter is nearly over. Again, we are experiencing an unseasonably warm winter this season, temperature in Toronto always nearly above freezing.

And ..... our days are starting to get longer and nights shorter, as if to announce spring is just around the corner (or at least giving us that feeling that it is).

And that in itself is reason to celebrate, I think.


Pag pumapasok ako sa work, umaalis ako ng mga alas syete at simula ng mag-adjust ng oras ay laging madilim pa sa umaga pag alas-7 at sa hapon naman pag uwi ko ng alas 5 ay madilim pa din. Pero kanina, pag labas ko, medyo nag squint ang mata ko sa liwanag ng kapaligiran na hindi ko ine-expect. At hindi lang yun, hindi masyadong malamig.

Aba akalain mo, a-bente otso na ng Enero at sandali na lang at matatapos na ang winter. Maswerte na naman ang mga taga Toronto at napaka mild ng winter ngayon taon kumpara sa mga nakaraang taon (well, ganito halos winter dito sa Toronto ng mga nakalipas na 6 o 7 taon, MILD) -- maliban sa mga ilang araw na hinagupit ng snowstorm at blinding whiteouts/snowsqualls. Halos walang yelo sa daan, kaya ayos lang maglakad, hindi delikado.

Humahaba ang araw at ang gabi ay umiigsi, parang sinasabing "ang spring at summer ay hindi na kalayuan. Nagsaya ang aking kalooban at napangiting mag-isa na walang dahilan. AMBABAW ko ano?

Pero ang isipin na malapit na ang spring ay para sa akin ay sapat na para ipagsaya. O diba?

2 comments:

Unknown said...

no way i'm celebrating winter leaving... spring means no more snowboarding!

farmer frank said...

hehehe.... oooooops!!!! i knew i can't please everybody... oh well.....